ILALARGA sa susunod na linggo ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa Malampaya fund scam.
Ayon sa advisory mula sa tanggapan ni Senator Teofisto Guingona III, Chairman ng Blue Ribbon Committee, ang pagdinig ay nakatakdang ganapin sa December 1.
Kasama sa mga inimbitahan sa nasabing pagdinig ay sila Commission on Audit (COA) Chair Grace Pulido Tan at Assistant Commissioner Susan Garcia.
Matatandaan na sinabi ng mga whistleblower sa pork barrel scam na pinangungunahan ni Benhur Luy na nahawakan niya ang humigit-kumulang sa P900-milyong Malampaya fund noong 2009. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment