Friday, November 28, 2014

Bumugbog sa traffic enforcer, susuko sa ligal na proseso

SUSUKO sa tamang oras at sa ligal na pamamaraan ang motoristang nakunan ng video na kinakaladkad sa kanyang kotse habang sinasapak ang isang MMDA traffic constable sa Quezon City nitong nakaraang Huwebes.


Ito’y ayon sa abogadong si Ian Vincent Ludovice nang magtungo ito kaninang umaga, Nobyembre 28, sa Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) para ipaalam kay C/Insp. Rodel Marcelo na ang kanyang kliyenteng si Joseph Russel Ingco, 39, ay tiyak na makikipag-cooperate sa kanilang ilalatag na imbestigasyon.


Pero ayon kay Ludovice, labis na nalungkot ang kanyang kliyente sa mga natanggap na batikos na lumabas sa social media matapos isapubliko ang kanyang pangalan nitong nakaraang Huwebes ng hapon.


“I would like to let the authorities and the public know that I will be submitting myself to the proper legal processes. I have full trust and confidence in our legal system and I believe that the truth will eventually come out,” pahayag ni Ingco sa kanyang email ad.


Ang lubos aniya na naapektuhan sa mga cruel statements laban sa kanyang kliyente ay ang mag-anak.


Nitong nakaraang Huwebes ng umaga, isinangkot si Ingco sa pambubugbog kay MMDA constable Jorbe Adriatico sa kanto ng Quezon at Araneta Ave.


Positibo namang kinilala ni Adriatico ang suspek na si Ingco matapos ipakita ni QC police chief Senior Superintendent Joel Pagdilao ang litrato nito sa kanya.


Maaalalang pinara ni Adriatico ang isang motoristang lulan sa isang blue Maserati dahil sa paglabag sa batas-trapiko.


Imbes huminto, nag-U-turn ang suspek sa Araneta Ave. at biglang hinaltak si Adriatico sa bintana ng kanyang kotse saka pinagsasapak na umabot hanggang sa Sct. Chuatoco.


Bukod sa mga tinamong pasa at bukol sa mukha, nabasag din ang ilong ng biktima. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Bumugbog sa traffic enforcer, susuko sa ligal na proseso


No comments:

Post a Comment