INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Manila Police District (MPD) ang pagkamatay ng isang 50-anyos na volunteer tanod na natagpuang nakalutang sa dagat at may tama ng bala sa kaliwang balikat sa Tondo, Maynila.
Hinihinalang may ilang oras nang patay ang biktimang si Samuel Barnobal, volunteer tanod ng Bgy. 105 at residente ng Sitio Damayan, Tondo, Maynila.
Sa report ni PO2 Mario Asilo ng MPD-homicide section, dakong 3:00 ng hapon nang natagpuang nakalutang ang patay na katawan ng biktima sa dagat na sakop ng Sitio Damayan, Bgy. 105, Tondo.
Nauna rito, napansin ng ilang residente sa lugar ang nakalutang na katawan ng biktima dahilan upang iahon ito. Kinilala naman ang biktima ng kanyang bayaw na si Edgar Morallos.
Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima dakong 10:00 ng gabi noong November 29 habang naka-duty ito bilang volunteert tanod at naglalakad sa Aroma outpost ng kanilang barangay.
Nang iahon ang katawan ng biktima ay nakasuot ito ng itim na maong pants, walang pang-itaas at naka-paa.
Sa pagsusuri ng pulisya, may isang tama ito ng bala sa kanang balikat habang inaalam na ang motibo sa pagpatay sa biktima.
Kasalukuyang inilagak sa St. Rich Funeral ang naturang bangkay para sa safekeeping at awtopsiya. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment