PINAGHAHANDAAN na ng city government ng Iloilo ang alternatibong lugar para sa ministerial meeting ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
Ito’y sa sandaling hindi pa matapos ang kontrobersya at aberya sa konstraksyon ng Iloilo Convention Center.
Sinabi ni Mayor Jed Patrick Mabilog na kabilang sa tinitingnan nila ay mga hotel sa Iloilo City na maaaring mag-accommodate ng mga delegado ng dalawang ministerial meeting sa lungsod.
Gayunman, ito’y dadaan pa sa inspeksyon ng National Organizing Committee ng APEC Summit.
Kasabay nito, hiniling ni Mabilog na sana ay huwag madungisan ang pangalan ng lungsod at mga proyekto rito kung wala man lang sapat na basehan. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment