SILIPIN natin ang mga accomplishment ng Philippine National Police (PNP) sa nagdaang buong November 24 up to Nov. 27 2014.
Noong Nov. 24 ay 22 na motorsiklo ang narekober ng mga alagad ng batas.
Nakaaresto rin sila ng anim katao na may iba’t ibang kaso sa Parañaque City.
Bukod pa ang pagkakadakip ng 12 drug pushers sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Manila Police District (MPD) – Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group.
Nakakumpiska ang mga operatiba ng MPD-SOTG ng 500 gramong shabu na nagkakahalaga ng P1.5-milyon at 1-2 kilo ng marijuana.
Nalambat din ng grupo ni Tarlac CIDG chief Maj. Luis Ventura ang gang leader at notorious na drug trafficker sa San Manuel, Tarlac.
Naaresto rin ng Zamboanga del Sur-PDEA ang No. 6 most-wanted drug personality at nadakip din sa manhunt operation ang isang roberry suspect sa Aliaga, Nueva Ecija.
Samantala, binigyan naman ng parangal si PO3 Ariel Dobles sa ipinamalas nitong katapangan nang mapalaban sila ng partner niyang si PO1 Wilmer Sabling sa mga armado na kalalakihan sa Sitio Kampalan na ikinamatay ni Sabling.
Kamakailan ay naaresto rin ng kapulisan ang top leader ng NPA at ang suspected leader ng “Lando Crime Gang” sa Caloocan City.
Sa mga accomplishment na ‘yan ay ipinakita ng PNP sa pamumuno ni PNP chief Gen. Alan Purisima ang magandang liderato nito.
SI KERNEL ANG GAMIT SA TONG
Sino itong isang alyas Joey ng Easterm Police District na panay ang ikot sa mga operator ng sugalan at nanghihingi ng ‘tong’ gamit ang pangalan ni EPD DD Supt. Abelardo Villacorta?
Hindi ko lang alam kung may basbas dito ni kernel kaya nagagawa niyang gamitin ang ngalan nito.
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment