Saturday, November 29, 2014

Azkals babangga sa Thailand

NABAHAG ang buntot ng Philippine Azkals matapos silang malugmok sa Vietnamese, 1-3 10th ASEAN Football Federation Suzuki Cup 2014 sa My Dinh National Stadium sa Hanoi, Vietnam kagabi.


Gayunman, sisipa pa rin sila sa semifinals matapos sagpangin ang segundo puwesto sa Group A na may dalawang panalo at isang talo.


Babangga ang Pinoy Booters sa semis kontra regional powerhouse Thailand na nag top sa group B na gaganapin sa December 7 sa Rizal Memorial Football Stadium.


Sinamantala ng mga Vietnamese ang pagkawala ng key players ng Azkals na sina Juani Guirado at Patrick Reichelt na nagkaroon ng injuries upang makabawi ang una sa huli.


Napilayan sina Guirado at Reichelt nang talunin nila ang Indonesia, 4-0, na siyang nagsiguro naman sa kanila para makapasok sa semis.


Si Paul Mulders ang umiskor para sa Phil. Azkals sa 60th minute pero bago ‘yun ay naka-goal na sina Ngo Hoang Thinh (9th min.), Vu Minh Tuan (51st min.) at Pham Thanh Luong (59th) para sa Vietnam.


Sa tatlong editions ng AFF Suzuki Cup ngayon lang natalo ang Azkals sa Vietnam.


Ayon kay Azkals head coach Thomas Dooley hindi magiging madali ang laban nila sa Thailand.


“Against Thailand it will not be an easy game. They play in a similar way to Vietnam,” saad ni Dooley.


Makakalaban naman ng Vietnam may record na two wins at draw sa semis ang No. 2 sa Group B na Malaysia na may kartang isang panalo, talo at tabla.


Ang mga tumalsik sa Group A ay ang Laos at Indonesia habang sa kabilang grupo ay ang Singapore at Myanmar. ELECH DAWA


.. Continue: Remate.ph (source)



Azkals babangga sa Thailand


No comments:

Post a Comment