KASADO na ang pagdinig sa Senado ukol sa kontrobersyal na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos sa Lunes, December 1, 2014.
Pangungunahan ang pagdinig ng Senate foreign relations committee ni Sen. Miriam Santiago kung kailangan pa ang concurrence ng Senado sa EDCA, kung ito’y kailangan sa bansa, beneficial at practical.
Alinsunod sa EDCA, papayagan ang Estados Unidos na magtayo ng mga straktura, pagtalaga ng mga tropa, paglagak ng mga armas, sasakyan, vessels at aircrafts, pati ang mga civilian personnel, defense contractors at iba pa sa loob ng 10 taon sa mga lugar na napagkasunduan sa bansa.
Naging mas kontrobersyal ang EDCA kasunod ng pagkakapaslang sa Filipino transgender na si Jennifer Laude na miyembro ng US Marines ang pangunahing suspek. LINDA BOHOL
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment