NAGDATINGAN na sa Pilipinas ang mga tennis superstars sa buong mundo para sa gaganaping International Premier Tennis League (IPTL) bukas.
Nasa bansa na ang dating Wimbledon champion na si Andy Murray at ang Serbian tennis star na si Ana Ivanovic na ranked no. 5 sa buong mundo, na ranked no. 1 noong 2008.
Magiging bahagi siya ng Micromax Indian Aces kasama sina Roger Federrer, Pete Sampras at Gael Monfils.
Bago pa man dumating ang Serbian player ay nagpaabot ito ng mensahe sa Twitter na excited na siya.
Una nang dumating ang world’s no. 57 na si Daniela Hantuchova at No. 8 na Marin Cilic. Si Cilic ay quarterfinalist sa 2014 Wimbledon.
Samantala, ang iba pang mga teams tulad ng Manila Mavericks ay binubuo nina Murray, Russian superstar Maria Sharapova, Jo-Wilfried Tsonga, Carlos Moya, Daniel Nestor, Kirsten Flipkens at Filipino player Treat Huey.
Ang Singapore Slammers ay binubuo naman nina Serena Williams, Andre Agassi, Tomas Berdych, Lleyton Hewitt at Patrick Rafter.
Ang UAE Royals team ay kasama naman sina world’s No. 1 Novak Djokovic, Caroline Wozniacki, Eugenie Bouchard at Goran Ivanisevic.
Ang current world’s No. 7 na si Bouchard ay umatras naman sa Manila event kung saan kabahagi siya ng UAE Royals sa inaugural event ng Coca-Cola at Qatar Airways.
Sinasabing nag-withdraw si Bouchard dahil sa injury habang nasa kasagsagan ng training.
Dahil dito, ipapalit na lamang sa kanyan ang bigatin ding French tennis star na si Kristina Mladenovic.
“I’m really disappointed I will be unable to compete in the IPTL this year due to an injury that I recently suffered in practice. I was excited to be part of the first year and represent the team from Dubai. I wish all of the players the best of luck and I sincerely hope to be healthy and back part of the IPTL next year,” ani Bouchard.
Magsisimula ang kompetisyon mula November 28 hanggang November 30 na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ang Fil-Am na si Huey ang magsisilbing playing coach ng Manila Mavericks kung saan una nilang makakalaban sa Biyernes ang UAE Royals.
Inamin ng national player na excited na siya lalo na ang pag-coach kina Sharapova, Murray at iba pa na aniya’y nakausap na niya.
Si Huey ay nanalo na rin ng tatlong ATP doubles kasama ang partner na si Dominic Inglot ng Great Britain.
Sa Sabado ay aabangan ang pagtutuos nina Sharapova at Ivanovic na itinuturing na kabilang sa pinakamagandang mga babaeng tennis players.
Lahat na laro ng Mavericks ay magsisimula ng alas-7:30 ng gabi habang ang unang laro ay magaganap ng alas-4:00 ng hapon. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment