Saturday, November 29, 2014

PCSO HULOG NG LANGIT SA MGA YAGIT

MARAHIL, sa maraming Juan at Maria, ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ay isang ahensya ng gobyerno na sa kanila’y – ‘wala lang’. Ang iba nga, kung tawagin ang PCSO ay immoral na opisina dahil sa iba’t ibang sugal na ino-operate, tulad ng Lotto at Loterya ng Bayan (LnB).


Ngunit para sa libo-libong natulungan dahil walang perang pambili ng gamot at pampaospital, ang PCSO ay ‘hulog ng langit’ sa kanila.


Aaminin kong noo’y isa ako sa maraming Juan at Maria na walang pakialam sa PCSO – kumbaga ‘wala lang’ din at ‘di importante ang ahensya sa akin. Pero aaminin ko rin ngayon na isa na ako sa libo-libong napabilib ng ahensyang ito.


Bumilib ako sa PCSO, ‘di dahil natulungan nang personal ng PCSO, kundi dahil ako’y naging instrumento sa dalawang naayudahan ng ahensya.


Sa pamamagitan ng kaibigang si Efren Esquera at ni Joel ng PCSO, nadagdagan ng buhay ang inilapit kong maybahay ng isang MMDA personnel.


Noong nakaraang linggo, inilapit natin sa PCSO ang nagngangailangan ng ayudang si Aling Aurora Pacheco ng Bagong Barrio, Caloocan City. Dahil sa tulong ng PCSO, si Aling Aurora may pag-asa na muling makalakad dahil ooperahan na ang nabaling buto sa kanyang kaliwang pigi.


Dahil sa tulong na iginawad sa inilapit nating dalawang may karamdaman, naging lubos kong naunawaan kung ano ba talaga ang PCSO. Dahil sa mga natulungan na ito, lalo kong naunawaan kong bakit ganoon na lamang ang pagpupursige ng ahensya para kumita ng halaga.


‘Di ako mahilig, pero ngayo’y araw-araw na akong tataya. Ito’y isang paraan para kahit sa katiting na paraan ay makatulong sa fund-raising ng ahensya. Malay mo, baka suwertihin, maging milyonario rin ako. Joke, joke, joke pero kung magkatotoo, aba’y magdo-donate pa ako sa PCSO.


Kasi kung walang PCSO, paano ang mga mahihirap na may sakit. Kung walang PCSO, maraming mamamatay dahil walang gamot at pampa-ospital. Ang PCSO ay totoong hulog ng langit sa mga yagit.


Kudos sa mga opisyal at kawani ng PCSO sa pangunguna ni chairman Ferdinand Roxas. Mabuhay ang PCSO. CHOKEPOINT/BONG PADUA


.. Continue: Remate.ph (source)



PCSO HULOG NG LANGIT SA MGA YAGIT


No comments:

Post a Comment