Friday, November 28, 2014

FEU, binulabog ng hininalang bomba

NABULABOG ang mga empleyado at estudaynte ng Far Eastern University (FEU) dahil sa hinihinalang bomba na iniwan sa loob ng men’s restroom sa naturang paaralan sa Recto, Manila.


Ayon kay Supt. Manan Muari, Hepe ng Manila Polie District (MPD)-homicide section, nakatanggap ito ng tawag na mayroong nakitang kahon na naglalaman ng hinihinalang bomba sa may bintana ng CR sa ikatlong palapag ng gusali sa unibersidad.


Nauna rito, naglilinis umano ng CR ang FEU janitor na si Efren Agbuan, Jr. nang mapansin ang isang kahong mahigpit ang pagkakatali at may nakalabas pang wiring.


Dahil dito, agad ipinaalam ni Agbuan sa MPD-Station 4 na siyang nag-report naman sa MPD-Explosive and Ordance Division (EOD).


Sa pag-inspeksyon ng MPD-EOD sa pamumuno ni Insp Arnold Santos, gumamit sila ng Render Safety Procedure (RSP) gamit ang X-Ray machine kung saan natuklasang negatibo sa bomba ang kahon.


Nabatid na mga bombilya, basag na salamin at mga pako at wirings ang lamang ng kahon.


Kasunod nito ay kinausap ng MPD-EOD ang pamunuan ng FEU para sa safety precautions ng nasabing eskwelahan. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



FEU, binulabog ng hininalang bomba


No comments:

Post a Comment