Friday, November 28, 2014

Aiko, Jomari, posibleng magkabalikan

SWAK na swak ang aktres na si Aiko Melendez sa bagong drama-series ng Dreamscape Television Entertainment na Give Love on Christmas sa episode na The Gift Giver na mapanonood na sa Lunes bago mag-It’s Showtime.


She plays the role of Rose, eldest daughter ni Eddie Garcia, na isinakripisyo ang buhay para sa kanyang ama.


Nasabi namin na swak si Aiko sa Christmas offering ng ASB-CBN sa televiewers dahil parang gift giver na rin ngayon ang aktres sa ganda ng relasyon niya with her ex-husbands na sina Jomari Yllana at Martin Jickain. At hindi lang ‘yun, mas close pa ngayon si Aiko sa misis ni Martin na si Maggi.


Ang tanong lang ng marami ngayon ay kung kalian sila magiging okey, not even close, ni Ara Mina na ngayon ay nagdadalang-tao courtesy ng ex-boyfriend ni Aiko na si Mayor Patrick Meneses.


Wala raw siyag maibibigay na reaksyon sa pagbubuntis ni Ara dahil whatever she says, some people will still insinuate na hindi siya sincere. Kaya mas gusto na lang niyang maging ‘gift giver’ kay Ara and her unborn child. At ‘yun ay ang walang iba kundi ang panalangin ni Aiko para sa kanila.


Malaki na talaga ang ipinagbago ni Aiko ngayon simula nang ma-born again siya.


“I’ve gone through sooo many trials this year. In fact, hindi naman lingid sa kaalaman ng iba, na-distort ang mukha ko ‘di ba? Nagkaroon ng problema sa weight ko. Tapos ah, maraming tests and trials this year, uh, emotionally financially, spiritually. That’s why I got baptized as a Christian because nga, ni-lift ko ‘yung ano, e, ‘yung pag-cure ng mukha ko,” pag-amin ni Aiko.


Ipinagdasal daw niya kay Lord na ayusin ang mukha at buhay niya this year. In return, she gives her life to the Lord as a good Christian.


“Like itong ‘Gift Giver,’ sinabi ko kay Jom. Sabi ko, ‘Dada (tawag niya kay Jomari) may gagawin ako’ng soap. Sabi niya, ‘Ay, finally. Mabuti naman kasi,’ uh, lagi naman, e. Kapag may magandang nangyayari sa akin, si Jom ang number one ko. So, he’d always remind na, ‘O, Mama, masaya ako lalo na ‘pag drama.’ Kasi drama naman ang talagang forte ko ‘di ba? So. Kapag ganoon talaga, nae-excite ‘yan. Kaya sabi niya, manonood siya talaga,” kwento ni Aiko. SWAK NA SWAK/JULIE BONIFACIO


.. Continue: Remate.ph (source)



Aiko, Jomari, posibleng magkabalikan


No comments:

Post a Comment