Friday, November 28, 2014

70 kababaihang ibinubugaw, nasagip sa bar sa Pasay

NASA 70 kababaihan ang nasagip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang KTV bar sa Pasay City na binubugaw umano sa mga foreigner.


Batay pa sa natanggap na impormasyon, maaari umanong ilabas ng kanilang magiging kostumer ang mga babae sa halagang P8,000.


Sa pinagsanib na puwewrsa ng NBI, Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng Department of Justice (DoJ), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ilang non-government organizations, sinalakay nila ang naturang bar.


Dito inabutan ng mga awtoridad ang mga babae na nagsasayaw habang ang iba naman ay naka-table sa mga banyaga.


Bukod dito, nadiskubre din sa ilang kuwarto ang mga gamit at pakete ng condom, habang daan-daang condom pa at lubricant ang natagpuan sa opisina ng bar.


Napagalamang bukod sa pag-aalok ng aliw ay nagpapalabas din ng bold shows ang bar.


Dinala naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nasagip na sumailalim sa dental aging at counselling.


Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang mga nasa likod ng operasyon at sangkot sa human trafficking. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



70 kababaihang ibinubugaw, nasagip sa bar sa Pasay


No comments:

Post a Comment