NAGING bagong bagyo na ang binabantayang low pressure area (LPA) na una nang iniulat noong nakaraang linggo ng Weather Center.
Ayon kay PAGASA forecaster Aldzar Aurelio, kanina lamang ay itinaas na ito sa kategorya bilang tropical depression makaraang umabot na sa 45 kph ang taglay na lakas ng hangin.
Sinasabing mabilis ang naging development nito kaninang madaling-araw habang nasa dagat.
Huli itong namataan sa layong 2,000 sa timog-silangan ng Mindanao.
Kung papasok sa teritoryo ng Pilipinas, bibigyan ito ng local name na “Ruby.”
Kung magpapatuloy ang mabilis na paglakas nito, hindi malayong maging isa na itong malakas na bagyo kapag pumasok sa PAR.
Kabilang sa maaaring maapektuhan ay ang Visayas at Mindanao habang ang Luzon naman ay magkakaroon ng maulap na papawirin dahil sa umiiral na amihan. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment