Friday, August 1, 2014

Natagalan dahil hinarap muna ang mga fans!

DAHIL kaibigan ni Solenn Heussaff si Lovi Poe at nasa kandili sila ng iisang manager, tinanong siya sa presscon ng Calayan Surgical Corp. kung ano ang reaksyon niya sa isnaban diumano nina Marian Rivera at Lovi sa ‘Sunday All Stars’.


Nagpaalam daw si Lovi at binati ang kapartner niya sa Ang Dalawang Mrs. Real na si Dingdong Dantes pero dinedma niya si Marian.


May koneksyon din daw ito sa ‘away’ nina Marian at Heart Evangelista. Matalik na kaibigan ni Heart si Lovi at may tsismis na pati sila ay dinadamay diumano ni Marian.


“Hindi ko alam kung totoo,” sey ni Solenn.


Sinabi ni Solenn na pag nasa work siya ay parang may suot daw siyang maskara. Kahit daw tanungin ang mga co-actors niya pag may taping sila ay laging tahimik siya. Ayaw raw niyang isali ang sarili niya at isawsaw sa mga kadramahan o anything.


Mas iniintindi na lang ni Solenn ang pagiging bagong endorser ng Calayan kung saan ay meron silang Solenn French Facial at Calayan’s Sexy Solenn Slim Laser.


Tsuk!


-0o0-


Gaganap bilang kontrabida ang aktor na si Jason Abalos sa afternoon seryeng mas umaakit pa sa inyong mga puso na Moon of Desire sa huling tatlong linggo nito.


Si Ulric, na ginagampanan ni Abalos, ang lobong hahamon kina Ayla (Meg Imperial) at sa kanyang ama para mapabagsak ang huli sa pagiging hari ng mga lobo. Para maisakatuparan ang kanyang mga plano, kinakailangang makuha ni Ulric ang dalawa sa natitira pang limang kwintas ng kapangyarihan na nasa pag-aari ni Ayla.


Magtagumpay kaya si Ulric sa kanyang binabalak? Tuluyan na kayang tanggapin ni Ayla ang kanyang kapalaran at makipagsanib-pwersa sa ama sa napipintong laban ng mga lobo?


Pakatutukan ang huling tatlong linggo ng Moon of Desire, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng It’s Showtime sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.


-0o0-


Usap-usapan na minaliit diumano ni Aljur Abrenica si Mike Tan. Isa raw sa inirereklamo ng hunk actor ay pantay ang billing nila ni Mike sa rati nilang serye na Kambal Sirena.


Nakalimutan siguro ni Aljur na mas nauna si Mike kesa sa kanya at ultimate survivor rin ng Star-struck batch 2.


Pareho lang silang talent ng GMA at bini-build up.


Marami tuloy ang napaiiling kay Aljur at sinasabi nila ay feeling superstar.


-0o0-


May naiwang katanungan ang ending ng pelikulang Hustisya na magsisimula sa August 2 hanggang August 10 sa Cinemalaya X.


Ano ang ibinulong ni Rocco Nacino kaya natural ang tawa ng Superstar?


Nagkakaroon tuloy ng multiple choice. A) Ikaw na ang National Artist B) Ikaw na ang Best Actress C) Para siyang debutante sa kanyang gown.


Yes, matagal na ring hindi nakikita si Ate Guy na naka-gown. Kahit nga sa mga awards night ay naka-pantalon ito. Pero sa ‘Hustisya,’ ilang minuto siyang makikita na nakasuot ng gown.


Masuwerte rin si Rocco dahil nakakuha na naman siya ng role na laging kaeksena si Nora bilang lawyer niya. Nadaig na naman niya si Aljur Abrenica na magkaroon ng ganitong klaseng role at na-experience na makatrabaho ang superstar, huh!


Pagmamalaki rin ni Rocco sa isang panayam na isa na rin siyang Noranian pagkatapos niyang makasama ito. Nasaksihan niya ang magic ni La Aunor sa mga fans kung saan ay inabot ng sampung minuto bago nakarating sa standby area dahil hinarap niya muna ang mga ito. XPOSED/Roldan Castro


.. Continue: Remate.ph (source)



Natagalan dahil hinarap muna ang mga fans!


No comments:

Post a Comment