Wednesday, August 27, 2014

BI Commissioner Mison, pinaiimbestigahan sa DOJ

PINAIIMBESTIGAHAN na ngayon sa Department of Justice (DoJ) si Bureau of Immigration Commisioner Siegfred Mison.


Sa ulat, kinakailangang imbestigahan ni Justice Secretary Leila de Lima si Bureau of Immigration Commissioner Siegfred Mison.


Ayon kay Faizal Hussin, pinuno ng Unyon ng mga Maggagawa sa Immigration, nilabag ni Mison ang Department Circular no. 27 nang kasuhan nito ang airport security guard na si Edwin Librojo ng gross neglect of duty noong Hulyo 25.


Ito’y matapos payagan ni Librojo ang pagpasok ng isang Indian national gamit ang pekeng visa noong May 2011.


Iginiit ni Hussin na tanging ang Justice Secretary lamang ang may kapangyarihang magpataw ng anomang administrative disciplinary action sa sinomang empleyado ng Immigration Bureau na isang umano’y pang-aabuso sa kapangayarihan ni Mison. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



BI Commissioner Mison, pinaiimbestigahan sa DOJ


No comments:

Post a Comment