Wednesday, August 27, 2014

Bagong partido ni VP Binay, ikakasa para sa 2016 elections

IKINAKASA na ngayon ni Vice-President Jejomar Binay ang bagong political party na kanyang ilulunsad sa susunod na taon.


Plano ni Binay na maging running mate si dating senador Manny Villar sa 2016 presidential elections.


Maliban kay Villar, tinitingnan na rin ni Binay bilang running mate sina Rep. Manny Pacquiao, Sen. Vicente Sotto III, Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian, dating Manila Mayor Lito Atienza para sa pagka-senador sa United Nationalist Alliance (UNA).


Masaya rin umano si Binay dahil sa kabila ng alegasyon ng korapsyon na ibinabato sa kanya ay marami pa ring mga politoko at opisyal ang gustong makilahok sa kanyang partido.


Samantala, iginiit din ni Binay na hindi galing sa kanya ang pahayag na balak siyang ampunin ng Liberal Party (LP) para sa halalan sa 2016.


Narinig lamang nila ang usap-usapang balak siyang i-adopt na kandidato sa LP na ibig-sabihin ay magiging guest candidate ito para sa nasabing partido. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagong partido ni VP Binay, ikakasa para sa 2016 elections


No comments:

Post a Comment