HUMINGI ng paumanhin at pang-unawa ang Malakanyang sa publiko bunsod ng matinding trapiko dulot ng kaliwa’t kanang pagbubungkal ng kalsada sa Metro Manila.
Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na binibilisan na at tinatapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kanilang trabaho bago pa magsunod-sunod ang pagdating ng bagyo sa bansa.
“Marami po tayong mga public works na ginagawa. Kung mapapansin ninyo nga ho, marami ho tayong kinukumpuning mga daan, na mga bridge, kaya ho sinusubukan din ng DPWH na madaliin or bilisan iyong kanilang pagtatrabaho dito. Tumutulong naman po ang MMDA ngunit minsan talagang lalo ho ‘pag Biyernes, umulan, talagang nagkakaroon ho talaga ng ano, ng traffic dito sa Metro Manila,” ayon kay Usec. Valte.
Kaya nga ang pakiusap ng Malakanyang sa publiko ay pagpasensyahan ang ginagawang ito ng DPWH at MMDA na isang malaking abala at perhuwisyo sa lahat.
“We ask you to bear with us at the public works with the repairs, the rehabilitation around in and around the metro are ongoing,” ani Usec. Valte.
The post Palasyo, nagpaumanhin sa mga proyekto ng DPWH appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment