Saturday, July 12, 2014

2 bangkay napulot sa QC

BANGKAY ng dalawang lalaki ang natagpuang nakahandusay sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue Barangay N.S. Amoranto, kaninang umaga, Hulyo 12 sa Quezon City.


Batay sa report ng pulisya, mga taxi driver ang unang nakakita sa mga naturang bangkay alas-5:00 ng umaga na unang ipinaalam sa Manila Police District (MPD) sa pag-aakalang sakop ito ng nasabing istasyon.


Ayon naman sa Scene of the Crime Operatives (SOCO), wala pang malinaw na dahilan kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng dalawang biktima na tinatayang nasa mga edad 20.


Wala ring nakuhang ano mang pagkakakilanlan sa mga ito maliban sa ang isa ay nakasuot ng itim na t-shirt.


Natagpuan din kapwa ang dalawa na nakasubsob sa semento ng kalye at pawang duguan.


Ipinapalagay din ng mga awtoridad na posibleng nahulog ang dalawa, sa dahilang malapit ang mga naturang bangkay sa pader ng La Loma Cemetery.


The post 2 bangkay napulot sa QC appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 bangkay napulot sa QC


No comments:

Post a Comment