MISMO ang National Food Authority (NFA) ang naglinis sa Purefeeds Corporation kaugnay sa kumakalat na report na hinaluan ng mga ‘animal feed’ o pagkain ng hayop ang 32,000 sako ng bigas na ininspeksyon nina Secretary of Interior and Local Government Mar Roxas at PNP-CIDG sa warehouse sa lalawigan ng Bulacan.
Sa isinagawang panayam kay NFA Spokesman Rex Estoperez sa TV Station program, sinabi nito na wala umanong halong pagkain ng hayop ang libo-libong sako ng bigas na nasa isang bodega na pagmamay-ari ni Jomirito Soliman.
Matapos ang raid ay kaagad naman na pinaeksamen ni Soliman ang mga sakong bigas sa NFA at lumitaw naman sa resulta ng eksaminasyon ng NFA na walang halong ‘animal feeds’ ang ibinebentang mga bigas.
Para mawala ang agam-agam ng publiko ay ipinakita ni Soliman ang proseso ng paggiling ng bigas na 216 sa mismong harap ng iba’t ibang mamahayag.
UNTOUCHABLE SIYA SA ANTIPOLO
Hindi natatakot at buong yabang na nagmamalaki na hindi kaya ninoman sa Antipolo City na ipatanggal ang puwesto pijong sugalan nitong si Arnold Pilay.
Mantakin n’yo, kahit front ng iligal na pasugalan ang pwesto pijong peryahan ng gagong ito ay lantaran niya ino-operate sa Cogeo Market.
Balewala sa kanya ang mga pulis kasi ang katwiran ng tarantadong ito ay malaki ang ibinibigay niyang padulas sa mga ito.
O totoo ba ang ipinagmamayabang ng tarantadong ito, Antipolo City Chief of Police Supt. Arthuro Masongsong?
Para maniwala kami na wala kayong tongpats sa iho de put na ‘yan ay tanggalin n’yo ang pasugalan niya sa Cogeo Market.
BOOKIES NG KARERA SA PS4, LANTARAN
Sa Manila, tuloy pa rin ang bookies ng karera nitong si Alvin sa area ng PS4 sa Sampaloc.
Walang ginagawa si PS4 Station Commander Supt. Rizalino Padrique para patigilin ang bookies ng karera ni Alvin sa sakop niyang presinto.
Magkano ba, kernel?
o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.
The post NFA-BIGAS NG PUREFEEDS, WALANG ANIMAL FEED appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment