Sunday, July 13, 2014

MARAMING BENEPISYO ANG PAGMIMIYEMBRO SA PAG-IBIG

ang-inyong-lingkod-hilda-ong6 NOONG Disyembre 2013, inilunsad ng Pag-IBIG, kasama ang Social Security System (SSS) at PhilHealth Insurance Corporation (PhilHealth), ang Kasambahay Unified Registration System (KURS), isang sistema ng pagrerehistro ng kasambahay kasama ang kanilang employer sa tatlong ahensya ng pamahalaan, ayon sa utos ng “Kasambahay Law.”


Ang pagtala sa isang ahensya ay nagbibigay-daan sa mga kasambahay at kanilang household employer na maitala nang sabay-sabay sa lahat ng tatlong ahensya, inalis ang sistema sa pagpunta ng isang kasambahay at employer sa tatlong ahensya para makapagtala. Ang mga papeles na kinakailangan sa pag-rerehistro ng employer at kanilang kasambahay ay maaaring i-download sa “corporate website” ng Pag-IBIG na http://ift.tt/1jF1d8j.


“As of January 2014, may 22,723 na kasambahay sa 13.5-milyong miyembro. Ang pagmimiyembro nila sa Pag-IBIG ang magiging daan nila sa mga benepisyo tulad ng access sa aming housing loan at mga short-term loan program, at pati na rin sa ibang programang pang-impok (savings program) ng Pag-IBIG,” dagdag ni Atty. Berberabe.


Sa mga employer na nagsusuweldo sa kanilang mga kasambahay ng mababa sa P1,500 kada buwan ay dapat bayaran ang buwanang membership contributions ng kanilang kasambahay sa Pag-IBIG ng katumbas sa 3% ng suweldo ng kanilang kasambahay. Para sa mga among nagsusuweldo ng 1,500 hanggang 4,999, kailangan nilang bayaran ang 4% katumbas ng suweldo ng kanilang kasambahay.


Ang mga kasambahay na may suweldong mababa sa P5,000 ay hindi na kailangang magbayad sa Pag-IBIG dahil ang kanilang mga employer ang babalikat sa kanilang buwanang membership contributions.


Ang mga kasambahay na may kita o sumasahod ng P5,000 ay kailangang magbayad ng 2% employee or personal share, na nagkakahalaga ng P100. Ang mga employer naman ay kailangan ding magbayad ng 2% employer share, sa halagang P100.


The post MARAMING BENEPISYO ANG PAGMIMIYEMBRO SA PAG-IBIG appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MARAMING BENEPISYO ANG PAGMIMIYEMBRO SA PAG-IBIG


No comments:

Post a Comment