NAGLASLAS ng pulso si Denice Cornejo sa loob ng kanyang selda sa Criminal Investigation ang Detection Group (CIDG) sa Camp Crame sa Quezon City kaninang umaga, Hulyo 13.
Gayunman, hindi naman kalaliman ang naging sugat na tila isinulat ang inisyal na WR na ang ibig-sabihin ay women’s right.
Ayon pa sa ulat, nadidismaya si Cornejo na sa halip na maipakulong ang rapist tulad ni Vhong Navarro ay siya ang nagdudusa ngayon sa loob ng kulungan.
Pinatutsadahan din nito ang malalaking pangalan sa show business na siyang nagmaniobra kaya ang kanyang kaso laban kay Navarro ay tuluyan nang tumamlay.
Nabatid na blade ang ginamit ni Cornejo sa paglalaslas.
The post Denice Cornejo, naglaslas sa CIDG cell appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment