Tuesday, July 1, 2014

Kelot todas sa kara y cruz

PATAY ang isang 34-anyos na lalaki makaraang barilin ng kanyang kabarangay matapos magtalo habang naglalaro ng kara y cruz sa Novalices, Quezon City kaninang madaling-araw, Hulyo 2, Martes.


Kinilala ni Chief Inspector Rodel Marcelo, hepe ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), ang biktima na si Jhonny Banlaolay, binata, ng Block 18, Lot 6, Tawid Sapa 2, Brgy. Kaligayahan, Novaliches, QC.


Si Banlaolay ay namatay noon din dahil sa tinamong tama ng bala ng kalibre .45 sa kanang dibdib.


Tumakas naman ang suspek na nakilalang si Jobert Serdo alyas Pilay ng Clemente St., San Agustin, Novaliches, QC.


Ayon sa ulat ng QCPD-CIDU, naganap ang insidente sa Pechayda St., Tawid Sapa 1, Brgy. Kaligayahan, Novaliches, QC dakong 4:30 ng madaling-araw.


Sa ulat, naglalaro ng kara y cruz ang biktima at suspek sa naturang lugar ng magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.


Sa kainitan ng pagtatalo bumunot ng kalibre .45 baril ang suspek at binaril ang biktima na ikinasawi nito.


Tumakas ang suspek dala ang baril na ginamit sa krimen.


The post Kelot todas sa kara y cruz appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot todas sa kara y cruz


No comments:

Post a Comment