Tuesday, July 1, 2014

Anti-Hazing Law, walang epekto – Sen. Angara

WALANG epekto ang pag-amyenda sa Republic Act No. 8049 o Anti-Hazing Law sa panibagong insidente ng hazing na ikinamatay ng estudyanteng si Guillo Servando.


Ipinaliwanag ni Senador Sonny Angara na sapat na ang batas laban sa hazing, ang problema lang ay hindi ito epektibong naipatutupad.


Ayon kay Angara, malinaw na nakasaad sa Anti-Hazing Law ang mabigat na parusa sa mga sangkot sa hazing.


Sa ilalim ng Anti-Hazing Law, reclusion perpetua o life imprisonment ang ipapataw sa mga responsable sa hazing kung ito’y nagresulta sa pagkamatay, rape, sodomy o mutilation.


Samantala, pabor si Vice President Jejomar Binay na ipagbawal ang hazing.


Ngunit ayon kay Binay tanging ang hazing lamang ang dapat na ipagbawal at hindi ang mga fraternities.


Ang pagbuwag sa mga fraternities ay labag sa konstitusyon dahil lahat aniya ay may right to organize.


Isa si Binay sa mga prominenteng miyembro ng Alpha Phi Omega Fraternity.


The post Anti-Hazing Law, walang epekto – Sen. Angara appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Anti-Hazing Law, walang epekto – Sen. Angara


1 comment:

  1. Yes, I agree with Sen. Angara, ang existing na batas ay sapat na para mapigilan ang hazing ngunit hindi lang ito maayos na naipapatupad. Isa pang problema dito ay ang mabagal na paglilitis sa mga kaso ng mga korte. Para sa legal consultation, pwedeng bisitahin ang NDV Law.

    ReplyDelete