NAKATAKDA na namang sumailalim sa eye check-up si Senador Juan Ponce Enrile, sa Makati City, ngayong araw.
Ayon kay Chief Supt. Alejandro Advincula, Director ng PNP Health Service, welcome sa kanila kung ang mismong ophthalmologist na lamang ni Enrile ang tutungo sa PNP General Hospital.
Gayunman, aminado si Advincula na magiging hadlang kung may kailangang gamit ang doktor na hindi nito maaaring dalhin sa Kampo Krame sa kanyang klinika sa Makati.
Bagaman may sariling opthalmogist ang PNP General Hospital, mas makabubuti aniya na sa ganitong ka sensitibong karamdaman na ang unang doktor na tumingin ang siyang magpatuloy sa paggamot kay Enrile dahil mas alam na nito ang history ng pasyente.
Magugunitang noong isang linggo ay dalawang beses na dinala sa Eye Center sa Makati City ang senador.
The post JPE, muling isasailalim sa eye check-up appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment