NAKALTASAN na ng halos 50-porsyento ang gastusin ng Philippine National Police (PNP) sa paghatid-sundo kay Janet Napoles sa Sandiganbayan.
Ayon kay PNP Spokesman, Chief. Supt. Reuben Theodore Sindac, tinapyasan na sa kalahati ang bilang ng mga pulis at personnel para sa seguridad ni Napoles tuwing may hearing.
Nasa 50 hanggang 70 na lamang mula sa dating 120 hanggang 150 pulis ang idinedeploy para kay Napoles.
Bumaba na rin sa P50,000 ang gastos ng PNP mula sa dating P120,000 kada biyahe.
The post Gastos sa pagbiyahe ni Napoles, bumaba appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment