NAGPASYANG wakasan na lamang ng isang lalaki ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti matapos iwan umano ng nobya Martes ng gabi, July 1, sa Sitio Pulo, Tanza, Navotas City.
Ang biktima ay nakilalang si Raymond Albacota, 24, mangingisda, binata, ng Sitio Pulo ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, alas-10:45 ng gabi nang matagpuan ang biktima na nakabitin gamit ang nylon cord sa puno sa labas ng kanilang bahay.
Nauna rito, napansin na matamlay ang biktima buhat ng kalasan umano ito ng kasintahan dahilan upang magpatiwakal.
Inaalam ng pulisya kung may naganap na foul play sa nasabing insidente.
The post Iniwan ng nobya, binata nagbigti appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment