‘YUNG nakita nating mga sweet moments photos sa internet ni Cristine Reyes together with a professional mixed martial arts fighter at former URCC (Universal Reality Combat Championship) Featherweight champion na nagngangalang Ali Khatibi may ilang buwan na ang nakararaan ay siya palang boyfriend ngayon ng sexy star. Although nu’ng unang matsismis sa lalaking ito si Cristine ay tumahimik lamang siya sa isyu. May mga sabi-sabi ring may pamilya na ang lalaking ito.
Kaya naman nai-uugnay ang dalawa at sinasabing may relasyon noon ay dahil madalas silang magkasama. Si Ali kasi ang personal trainer ng sexy actress sa pag-aaral niya ng Brazilian Jujitsu.
Pero nitong huli ay lumabas din ang totoo. May relasyon nga sila at hindi na ito itinatanggi ng dalaga. Hindi lang malinaw sa publiko kung sino ito dahil hindi tuwirang ipinakikilala ng una.
Nakilala nga lamang namin ang bago niyang boyfriend nang manood kami ng show ni Vice Ganda na napanonood every Sunday night sa ABS-CBN. Ipinakita roon sa monitor sa loob ng studio ang litrato ng dalawa kung saan makikitang hinahalikan ng sister ni Ara Mina ang trainor niya.
May nagbulong sa amin na unang nasilip ni Cristine si Khatibi na isang Pinoy/Persian sa The 69 bachelors of Cosmo Men magazine last year at napalunok yata siya sa ganda ng katawan nito, kaya simula noon ay inilusyon na niya ito. Sakto namang nagtuturo ito ng karate, iyon ang naging pagkakataon ng una na mapalapit dito.
Iyon nga lamang, nang maging boyfriend niya ang balboning karatestang ito ay tila naging maarte na ang dalaga. Aniya, bawal na raw sa kanya ang magpaseksi sa katsang telon at maging sa mga print ad ng kanyang komersyal, billboard etc.
Nakatatawa nga nang maging guest siya sa Aquino & Abunda Tonight, gusto sanang ipasok ni Kris Aquino sa kanilang usapan si Derek Ramsay pero pilit na iniiwasan ito ni Cristine. At nitong maging guest nga sa programa ni Vice si Tin kasama ang kanyang ate ay nagulat kami nang itanong sa kanya ng host kung sino-sino ang nasa cast ng Trophy Wife, nagbigay siya ng pangalan pero ang isa sa bida na si Derek ay hindi niya binanggit. Kapuna-puna rin ang suot niyang hitsurang modernong baro’t saya. Balot na balot talaga ang hitad. Gusto yatang gawing manang ni Ali ang kanyang siyota. Ano sa palagay nyo?
***
DJ CHACHA NG MOR, GRAND SLAM WINNER SA IBA’T IBANG AWARD-GIVING BODIES
Napa-yahoo sa labis na kaligayahan ang ‘Dyosa ng Primetime Radio’ na si DJ ChaCha nang parangalan siya kamakailan ng Yahoo! Celebrity Awards bilang Female DJ of the Year. Ito ang ikatlo niyang tropeyong natanggap ngayong taon matapos siyang kilalaning Best FM DJ sa 12th Gawad TANGLAW at 2014 Gandingan UPLB Isko’t Iska’s Broadcast Choice Awards ng University of the Philippines-Los BaƱos.
“Ang sarap-sarap po sa pakiramdam na makakuha ng parangal na alam mong nakuha mo dahil sa suporta ng mga taong gabi-gabing nakikinig at kasama mo sa programa. Laking tulong po ang mga awards na ito dahil nakaka-boost ng self-confidence at pampagana para mas pagbutihin pa mga ginagawa ko,” pahayag ni DJ ChaCha.
Sa Yahoo! Celebrity Awards ay tinalo ng sexy Kapamilya DJ ang apat pang nominadong mula sa iba’t ibang FM station sa bansa taglay ang lampas 300,000 boto. Sa katunayan, sa tindi ng ipinakitang suporta ng MOR listeners, kabilang si DJ ChaCha sa top 10 awardees na may pinakamataas na boto sa prestiyosong awards show kasama sina Kim Chiu, Sarah Geronimo, Vice Ganda at iba pang sikat na Kapamilya stars.
“Sa anim na taon ko sa industriya ng radio, alam na alam kong ibang klaseng magmahal ang masang Pinoy. Napatunayan ko po na kapag nakuha mo ang kiliti nila, hanggang sa huli ay ipaglalaban ka nila. Pinanalo po nila ako sa Yahoo! Celebrity Awards,” ani ChaCha na gabi-gabing nagbibigay-payo sa kanyang ‘naughty and nice’ radio program na ‘Heartbeats with ChaCha Babes’ na mapakikinggan tuwing alas-9 ng gabi hanggang hating-gabi.
Kasabay ng matagumay na relaunch ng MOR 101.9 For Life! noong nakaraang taon ay ang pag-arangkada ng career ni DJ ChaCha. Dahil bukod sa pagrereyna sa gabi ng kanyang radio program ay pumatok rin sa mga mambabasa ang kauna-unahan niyang libro na pinamagatang ‘Napakasakit Ate ChaCha’ na pasok sa best-sellers’ list ng mga bookstore sa buong bansa.
Araw-araw samahan si DJ ChaCha at ang iba pang MOR DJs sa official FM radio station ng ABS-CBN na palaging may hatid na MORe music, MORe fun, at MORe stars sa MOR 101.9 For Life! sa FM band at MOR TV sa www.MOR1019.com. Para sa iba pang updates kaugnay ng M.O.R. 101.9 For Life! i-like lamang ang Facebook fanpage nito sa http://ift.tt/1hHJPDu at i-follow ang @MOR1019 sa Twitter.
***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/Abe Paulite
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment