WALANG competition sa dalawang sikat na celebrities na nag-umpisa ng kanilang mga bagong show sa TV5. Sina Edu Manzano at Ogie Alcasid, kapwa beterano na sa kanilang mga hosting job. Kapwa sila mga replacements sa dalawang mga sikat ding mga host na sina Aga Muhlach at Ryan Agoncillo. Si Ogie ang pumalit sa binakanteng show ni Aga at si Edu naman kay Ryan Agoncillo doon sa Talentadong Pinoy na malapit ng mag-umpisa.
Nito lang Lunes, July 7, nag-umpisa si Ogie sa Let’s Ask Pilipinas tuwing 11:30 ng umaga na pantapat kuno sa It’s Showtime nina Vhong Navarro, Vice Ganda, at Anne Curtis. Napanood namin ang first day ng show ni Ogie at ang buena mano niyang mga guest ay sina Pops Fernandez, Jaya, Noel Cabangon, among others.
On the other hand naman, umpisa rin ni Edu sa isa niyang program na 10:15 a.m., ang Face The People with Tintin Bersola at Geli de Belen. Patapos na ang show nang mabuksan namin ang TV at laking hinayang namin na ‘di namin napanood nang buong-buo ang show na si Megan Aguilar ang nakasalang at parang wala yata ang isa pang guest, ang kanyang tatay na si Ka Freddie.
Maraming bagong show ang mapanonood na sa TV5 at ang hindi lang namin nagugustuhan iyong isa nilang program kung saan mga mestisong Pinoy/Americans na nakaaasiwa dahil mga baluktot pa itong managalog. Bibihira sa mga ganitong mga nag-aartista ang sumisikat dahil dahil hindi alam ang ating salita. Tulad ng ibang mga nangawala na sa limelight like Wil Devon (correct kaya ang spelling ko baka ako’y mabash! Hahaha!) Jon Avila, Montero brothers na ang tagal na sa Pinas ‘di pa rin matatas magsalita ng ating wika. Si Sam Milby lang yata ang nanatili at patuloy na nag-aartista kasi naman magaling itong umarte.
Lumalago na ang kuwadra ng aming kaibigang si Fernan del Valle sa kanyang FMM Models. Mga barakong tunay na walang kiyemeng magbuyangyang ng kanilang pag-aari. Hahaha!
Kaya pala nagkakaroon ng problema si Fernan dahil walang tigil ang mga baklush sa kate-text at pm sa kanya para manghingi ng mga hubad na lumpia. Hahaha! Masuwerte ang mga napadalhan na sa kanilang facebook account. Ciao, Bambino! MEMORABILIA/Matuk Astorga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment