INUGA ng magnitude 6.1 na lindol ang Chile na nagdulot ng pangamba sa mga residente nitong umaga.
Ayon sa US Geological Survey, naitala ang sentro ng pagyanig sa 22 kilometro kanluran ng Iquique, Chile at may lalim na 35 kilometro.
Batay sa national emergency, walang napaulat na pinsala sa pagyanig.
Maalala na noong Abril, niyanig din ng magnitude 8.2 na lindol ang naturang lugar na ikinamatay ng anim katao.
Ang Chile ay madalas nililindol dahil ito ay nasa Pacific Ring of Fire. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment