NAGLAHONG parang bula ang walong mountaineers sa Mount Marami sa Maragondon, Cavite.
Sinabi ni Zeus Ruiz ng Wilderness Search and Rescue Team (WISAR), may dalawang araw nang hindi matagpuan ang mga umakyat ng bundok na pawang residente ng DasmariƱas, Cavite.
Nakakapag-usap pa umano sila dahil patuloy na nakakapag-text ang mga nawawalang mountaineers ngunit paiba-iba anya ang lokasyon nila kada 10 hanggang 15 minuto.
Pinayuhan na ni Ruiz ang mga ito na manatili sa kinalulugaran nila upang mas mabilis na mahanap ang target area lalo na’t dapat magmadali ang rescue team dahil mataas na anya ang lagnat ng nag-iisang babaeng mountaineer.
Grupo nila Ruiz ang unang nag-rescue sa mga biktima habang paparating naman ang ilang support groups. Johnny F. Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment