VERY vocal ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kanyang happiness nowadays.
Duda ng iba, may bago nang nagpapasaya kay Vice. Pero base sa nakita namin na mga post sa Facebook account ng sinasabing boyfriend diumano ni Vice na si Terrence Romeo, mukhang may naganap na balikan, huh?
Matatandaan na kamakailan lang ay sumambulat ang balitang break na si Vice at boyfriend niya. Marami ang tumukoy na ang basketball player na si Terrence ang sinasabing boyfriend ni Vice. At kasunod nito naman ang pagka-disgusto ng ama ni Terrence sa pagkaka-link niya kay Vice.
Last Friday, we chanced upon the account of Terrence. Doon namumutakti ang pictures at comments ni Jose Marie Viceral sa FB account ni Terence. May mga post pa si Terrence na nakaiintriga talaga at parang wala namang nangyaring isyu sa kanila ni Vice.
Sa cover photo pa lang ng FB account ni Terrence ay nakalagay na ang magkatabi at magkahiwalay nilang litrato. But what’s noticeable sa picture ay ang parehong suot na blue t-shirt with striped pocket nina Vice at Terrence.
Kung anu-ano ring terms of endearment ang tawag ni Terrence kay Vice. May “Kumander,” “my infinite,” at “girlfriend.”
May post po si Terrence ng dalawang accounts ng Jose Marie. Sey ni Terrence sa FB account niya, “Dalawang Jose Marie ang kausap ko. ‘Yung isa girlfriend ko ‘yung isa best friend ko.”
Panay rin ang post ni Terrence ng “I love you” kay Vice. At nasasaktan naman daw siya kapag hina-hard sa “It’s Showtime” si Vice. Parang tinutusok naman daw ang puso n’ya kapag may ibang lalaki na hinaharot si Vice sa noontime show nila. Gaya nu’ng naka-post sa FB niya na picture ni Vice habang nakadikit ang nguso sa isang male audience na akmang hahalikan ng TV host.
Ganoon?
-ooOoo-
Mending a broken heart pala itong si Aaron Villaflor nu’ng umattend siya sa presscon ng bago niyang show sa ABS-CBN, ang “Pure Love.” Kaalis lang last month ng girlfriend niya papuntang US para magtrabaho as a nurse.
One year daw nilang pinag-awayan ang planong pag-alis ng gf niya at pinakiusapan niya na huwag nang tumuloy. Hindi pumayag ang gf niya at ‘di naman feel ni Aaron ang long-distance affair kaya sinabi niyang kung tutuloy talaga ang gf niya sa US it?s better na mag-break na lang sila at ‘yun nga ang nangyari.
Na-trauma na kasi si Aaron sa long-distance relationship. ‘Yung second girlfriend daw niya kasi nagka-affair sa ibang lalaki habang nasa ibang bansa kaya loveless na naman si Aaron ngayon.
Buti na lang meron siyang show ngayon sa ABS-CBN na pagbubuhasan ng kayang panahon.
Pagkatapos niyang gumanap bilang kontrabida ni Coco Martin sa Juan dela Cruz, protector naman siya ng bidang si Alex Gonzaga sa “Pure Love” na napapanood araw-araw bago mag-TV Patrol.
“Ako si Ronald sa show na isang matalino. Si Ronald originally, doktor siya na gagamot kay Isabel. Pero iba siya rito. Mas gumanda’t lumalim ang role ko sa version na ‘to kasi same history kami ni Isabel. Namatay ‘yung husband ni Isabel because of an accident. Namatay rin ang misis ko dahil sa accident. So, ako tutulungan ko siya para mawala ‘yung isip niya at makapag-move on siya sa kamatayan ng asawa niya,” pahayag ni Aaron.
The post Binalikan kaagad ng ombre dahil………! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment