TUKOY na ng mga pulis ang dalawang suspek na bumaril sa mag-asawang asset ng mga pulis sa Caloocan City kamakailan.
Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na Sarheyo Minor at isang alyas Gerra kapwa ng lungsod.
Sa record ng pulisya, alas-3:30 ng hapon nitong nakalipas na Pebrero 21, naglalakad ng mga biktimang sina Julius Garcia at asawang Mary Jane, kapwa nasa hustong gulang ng Phase 6, Camarin ng lungsod sa Sampaguita st., nang pagbabarilin ng
mga suspek.
Dinala ang mag-asawa sanhi ng tama ng bala sa mga hita sa Jose Rodriguez Hospital kung saan ginagamot hanggang sa kasalukuyan habang nagsitakas ang mga suspek.
Sa isinagawang imbestigasyon, nalaman ang pagkakilanlan ng mga suspek na nagalit sa mga biktima dahil napeperwisyo ang pagtutulak n
droga ng mga una dahil sa pagiging asset ng mag-asawa.
Sinampahan na ng kasong frustrated murder ang mga suspek sa piskalya.
The post 2 bumaril sa mag-asawang asset ng pulisya tukoy na appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment