Saturday, March 29, 2014

Secret lover kuno ni Kris, ikinaloka ng publiko!

MARAMING tagasubaybay ng teleseryeng Carmela dahil sa bawat episode ay kapana-panabik. Lalong humuhusay sa kanyang pag-arte si Alden Richards, sabi ng aming kapitbahay na minamadali niyang tapusin ang paghuhugas ng mga platong kinainan nila sa hapunan upang humarap na sa telebisyon at panoorin ang kanyang hinahangaan na si Alden na para sa kanya ay bagay na tawagin siyang Prinsepe ng Kapuso network. Aba’y pumapantay na raw ito sa isa pang magaling na aktor na si Dennis Trillo at hindi na raw magtatagal ay kapantay na sila sa acting department.


Sa kabilang dako naman, naragdagan ang mga tagahanga ni Marian sa hanay ng mga barako na pati na ang aming mga apo na mga binata’t mga professional na rin ay nanonood na ng Carmela mula ng makober muli si Marian sa isang panlalaking magazine at ibabaon nila ang magazine kasama ang mga katrabaho sa barkong pinagtratrabahuan nila sa pandaigdig na sasakyang-dagat.


-0-


HINDI na maawat ang Etchoserang Frog na si Shalala Reyes. Kating kati na ang mga paa nito sa pagsasayaw. Aba! contestant lang naman siya sa Celebrity Dance Battle. Pawang magagaling ang mga makatutunggali ni Shalaley tulad nina Tina Paner, Iwa Moto, at ang Philam na si Bryan ng Juan Direction na pawang mga dancers.


At kahit na hindi siya lihitimong mananayaw, panay-panay ang praktis ni Shalaley ng sayaw na Salsa. Iyan ang tema ng sayaw na kanilang paglalabanan ngayong buwan ng Abril sa Celebrity Dance Battle hosted by the beautiful Lucy Torres-Gomez at ang Semerad twins na sina Anthony at David na marami na ring nagkakagusto na mga fans, boy girl bakla tomboy. Parehong hunks at ang guguwapo pa.


Sa unang show noong nakaraang Sabado, March 22, maraming napahanga sa nag-champion sa sayaw na ang sikat din na PBA player na si Gary David. Sabi pa nga ng famous dance choreographer na si Douglas Nierras, pati na rin ang mga iba pang judges gawin na lang career ang pagsasayaw ni Gary David na tiyak na kikilalaning mahusay na dancer. Pasok din si Valerie Concepcion at ang dating Miss Earth na asawa ni John Estrada. Sila ang mga unang batch na winners na maglalaban laban sa monthly finals.


-0-


IKINALOKA namin ang balitang secret lover daw ni Kris Aquino na talagang isinisikreto sa mga press at tagahanga nito kuno pero nabuking dahil sa description niya ay si Mayor Herbert Bautista, hindi ang isang Mayor ng Makati.


Nag-isip tuloy kami na baka lang etchoserang frog itong ginagawa ni Kris pero mukhang may katotohanan. Si Kris ay annulled na sa kanyang asawang si James Yap at si Mayor Herbert naman ay binata subalit merong live-in partner. Maatim naman kaya ni Mayor na iwanan ang kanyang partner ng kung ilang taon na? Ayoko munang mag-isip. Hahahaha! Ciao Bambino!


The post Secret lover kuno ni Kris, ikinaloka ng publiko! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Secret lover kuno ni Kris, ikinaloka ng publiko!


No comments:

Post a Comment