Saturday, March 29, 2014

PANGULONG MAR ROXAS

sa kantot sulok SI Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na raw ang manok ng Liberal Party sa darating na presidential elections sa 2016.


Ganito talaga sa bayan nating minumuta, este, minumutya. Malayo pa ang okasyon, eleksyon na ang pinag-uusapan.


Hindi ko alam kung ano ang ibubuga ni Roxas sa kanyang mga makakalaban. Pinakain siya ng alikabok noong 2010 ni Vice President Jejomar Binay.


At baka mangudngod na siya sa putik kapag nagbakbakan sila uli. Pampangulo na ang usapan sa 2016. Alam natin na kung bakit siya ang inilagay sa DILG ay para magapang ang mga lokal na opisyal habang maaga.


Okey na sana si Roxas kung hindi sumalakay ang bagyong Yolanda sa Kabisayaan. Nakita ng taumbayan sa Yolanda disaster kung gaano kahinang lider si Roxas.


Napabayaan at hanggang ngayo’y maraming napapabayaan na mga biktima ng bagyo dahil sa pamumulitika ng administrasyon sa pagbibigay ng saklolo.


Okey na rin sana si Roxas kung hindi napakalaking sablay ni PNoy. Ang basbas ni PNoy, kung si Roxas nga ang magiging successor niya, ay maituturing na “kiss of death.”


Kung ako si Roxas, para makabangon ako sa malabangungot na inabot ko, makipaghiwalay na ako kay PNoy. Magsimula ako ng bagong diskarte para sa sasalihang karera sa 2016.


Ang pakiusap ko kay Roxas, ‘wag na niyang gamitin ang slogan na “Tuwid na Daan.”


Ang Tuwid na Daan slogan ng kanyang boss na si PNoy ay isang malaking kalokohan at malaking kabobohan. Alam naman ng lahat na sa Tuwid na Daan ni PNoy, patuloy pa rin ang korapsyon.


***


KINATIGAN ng Korte Suprema ang petisyon ng AMB ALC Holdings and Management Corporation na ilipat sa QC-RTC mula sa Dagupan RTC ang pagdinig sa kaso ng McAdore Hotel property.


Sa resolution ng 1st Division ng Supreme Court, kinatigan ang petisyon ni Benjamin V. Ramos na ilipat ang pagdinig sa kaso.


Inatasan ng SC ang Clerk of Court, RTC Branch 40 ng Dagupan City na i-forward ang mga record ukol sa Special Civil Action No. 2012-0010-D sa Office of the Clerk of Court ng RTC-Quezon City.


Ayon sa AMB ALC, mahihirapan kasi si Judge Mervin Jovito Samadan ng RTC Branch 40 na magbigay ng patas na pagtingin sa kaso dahil sa impluwensya ng administrasyon ng Dagupan.


Sa petisyon, sinabi ng AMB ALC na bilang winning bidder sa public auction ng bentahan ng McAdore Hotel property, nayuyurakan ang karapatan nito sa nasabing ari-arian ng mga isinasagawang hakbang ng administras-yon na ibig bawiin ang nasabing hotel.


The post PANGULONG MAR ROXAS appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PANGULONG MAR ROXAS


No comments:

Post a Comment