IPINAHAYAG ni Sultan Mutalib Sambuto, provincial chairman ng South Cotabato Muslim leaders na umaasa sila na tuloy-tuloy na ang kapayapaan sa isla ng Mindanao sa pamamagitan ng pagpirma ng final peace agreement.
Sinabi ni Sambuto na sa pamamagitan ng naturang paglagda, madaling makamit ang kapayapaan sa rehiyon dahil sa suporta ng gobyerno at komunidad.
Kahapon ay umaabot sa mahigit 1,000 Muslim leaders at kasapi ng Daguma PPF-MILF group Sultan Kudarat Chapter ang nagsagawa ng peace caravan kasabay sa makasaysayang paglagda ng Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB) sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at gobyerno sa Malacañang.
Layunin ng peace caravan na maipakita ang suporta sa Bangsamoro Government at gobyerno ng Pilipinas upang makamit ang inaasam na kapayapaan sa isla ng Mindanao.
The post South Cotabato Muslims leaders aprub sa CAB appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment