Monday, March 31, 2014

Habang nagtatawag ng pasahero, barker dedo sa tusok

TODAS ang isang barker nang pagsasaksakin ng di nakilalang suspek habang nagtatawag ng pasahero sa Tondo, Maynila kagabi.


Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Cente ang biktimang kinilala lamang sa alyas “Iking”, may edad sa pagitan ng 25-30, may taas na 5’5 hanggang 5’7 at payat ang pangangatawan.


Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa dalawang suspek na nakasuot ng bonnet, puting t-shirt at maong pants na kapwa tumakas matapos ang insidente.


Alas 6:30 ng gabi nang naganap ang insidente sa kanto ng Antonio Rivera at CM Recto Ave., Tondo, Manila.


Ayon kay Mervin Salasar, 40, isang jeepney driver, nagtatawag ng pasahero ang biktima ng biyaheng MCU-Divisoria nang lapitan siya ng mga suspek at walang sabi-sabing pinagsasaksak ito.


Matapos ang krimen ay nagmamadaling tumakas ang mga suspek habang ang biktima ay isinugod sa ospital subalit hindi na umabot nang buhay ang nasabing biktima.


Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan sa kanyang trabaho ang motibo sa pagpatay.


The post Habang nagtatawag ng pasahero, barker dedo sa tusok appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Habang nagtatawag ng pasahero, barker dedo sa tusok


No comments:

Post a Comment