Monday, March 31, 2014

Pagkamatay ng empleyado ng PAGASA Infanta,Quezon binubusisi na

INIIMBESTIGAHAN na ngayon ng mga awtoridad ang tunay na dahilan sa pagkamatay ng isang empleyado na nagtagpuang patay sa loob ng ng tanggapan ng PAGASA sa Infanta, Quezon.


Isinasailalim na sa awtopsiya ang bangkay ng biktima na kinilalang si Jorge Avellaned Miras, 60, ng Barangay Comon.


Batay sa naunang impormasyon, mismong ang katrabaho nito ang nakadiskubre kahapon.


Natagpuan umano ito na nakahawak sa kanyang dibdib at wala ng buhay.


Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na may sakit ito sa puso batay sa kanyang asawa na siyang itinuturong sanhi ng kanyang pagkamatay.


Inaalam pa rin ng awtoridad kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.


The post Pagkamatay ng empleyado ng PAGASA Infanta,Quezon binubusisi na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagkamatay ng empleyado ng PAGASA Infanta,Quezon binubusisi na


No comments:

Post a Comment