Monday, March 31, 2014

Mary Jean Lastimosa ng Cotabato, tinanghal na Bb. Pilipinas-Universe 2014

NASUNGKIT ni Mary Jean Lastimosa ng Cotabato ang korona bilang Miss. Universe Philippines sa Bb. Pilipinas beauty pageant na ginanap sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City, Linggo ng gabi.


Nahigitan ng 26-anyos na Pinay beauty ang 39 iba pang mga dilag.


Pero, hindi naging madali para kay Lastimosa ang kanyang tagumpay lalo’t ito na ang ikatlong beses niyang pagsali sa Bb. Piliipinas.


Kinoronahan din sa kompetisyon ang iba pang mga bagong reyna ng Binibining Pilipinas.


Nanalong Binibining Pilipinas International si Mary Anne Guidotti, Binibining Pilipinas – Intercontinental si Kris Tffany Janson; Binibining Pilipinas-Tourism si Parul Shah at Binibining Pilipinas-Supranational si Yvethe Marie Santiago.


Itinanghal namang first runner-up si Laura Lehmann at second runner-up si Nannah Sison.


The post Mary Jean Lastimosa ng Cotabato, tinanghal na Bb. Pilipinas-Universe 2014 appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mary Jean Lastimosa ng Cotabato, tinanghal na Bb. Pilipinas-Universe 2014


No comments:

Post a Comment