Monday, March 31, 2014

Mudra ng OPM na actress/politician, mapanlait! (Ara Mina magpapakasal na)

KUNG magagawi kayo sa Kapitolyo ng isang probinsya adjacent to Greater Manila, magugulat kayo dahil iisa ang taong tumatao sa opisina ng actress/politician na nag-iistima ng mga bisita at nag-aayos sa mga papeles rito.


Sa pakikipag-usap ay pasumbong na nagkuwento ang staff kung bakit ito nangyari. Paano naman daw kasi ay nilalait at inaalipusta ng mudra nang aktresang bale-balentong kung mag-Ingles ang mga dating staff nito at lagi ang mga itong sinasabihan na bobo at walang album.


Marami na raw naging staff si aktresa, pero umaalis agad after a while dahil sa diumano’y pambabalahura ng mudra nito. Ang iba nga rito ay may mga dinidinig pa ngayong kaso laban sa mag-ina. Sino si OPM aktresa? Board Member siya sa lalawigang Resorts Capital ng Pilipinas.


000


MASAMA ang loob ni Mareng Ara Mina kay Diana Zubiri at suspetsa niyang ang huli ang nagkalat na nakunan ang tatlong buwan niyang ipinagbubuntis.


Sa una kasi ay nag-deny pa sa isang interview ang ate ni Christine Reyes, only to admit it later in an another interview. Malaki ang panghihinayang ni Ara dahil nasulat na natin before ang kagustuhan niyang magkaroon ng baby kahit pa hindi kasal sa long-time boyfriend niyang si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.


Ang good news naman ay nag-propose na sa kanya ng kasal ang politician boyfriend at may balak na silang pakasal anytime this year or the earlier part of 2015.


000


ISANG perfect gentleman ang Head ng San Juan City Business Licensing and Permits na si Mr. Dominic Garcia.


Ang reputasyon niya kasing nalikha in the course of his time in public service ay sa isang taong pinahahalagahan ang bawat salita niyang nabitawan. Kapag nagkikita kami ng opisyal ay napag-uusapan namin any topic under the sun at nasabi nga niya sa akin na kuntento na siya in his present post at wala sa hinagap niyang tumakbo pa para sa isang elective position.


Mapalad ang San Juan dahil nagkaroon sila ng isang honest to goodness official na gaya ni Dominic Garcia. Sa pamumuno ni Sir Dominic sa sangay ng Pamahalaang Panglungsod ay nadoble ang kita nito bringing in added revenues to San Juan.


000


MABIGAT pa rin pala ang kalooban ni Manila Mayor Erap Estrada sa sinapit ng anak niyang si Jerika na pitong taong buntis courtesy of Bernard Palanca, na may anak rin sa ex-wife niyang si Meryll Soriano.


Kahit kasi sabihin pang galing rin sa buena familia si Bernard ay masama pa rin ang loob ni Erap dahil marami siyang pangarap sa anak nila ni Laarni Enriquez na pinag-aral pa naman niya sa London.


Ayon sa isang source, hindi raw matanggap ni Erap si Bernard para sa kanyang paboritong anak dahil sa kawalan ng huli ng direksyon sa buhay.


Wala pang permanenteng trabaho ang dating ABS-CBN talent at may mga lumalabas pang balitang adik-adik pa rin daw ito hanggang sa ngayon.


000


NAKAMAMANGHA ang bayan ng Pantabangan, Nueva Ecija dahil situated ito sa itaas ng bundok at hindi mo aakalaing may ganito palang lugar in Central Luzon.


All-year round ay malamig ang klima rito at makikita mo ang kaunlaran ng mga residente sa mga nakalinyang Spanish at American-inspired houses in its roads.


Ang Pantabangan ang Tourism Capital ng Nueva Ecija at paboritong activity ng mga dayuhang pumupunta rito ang bass fishing in majestic Lake Caliraya.


Sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Lucio Uera, pumapangalawa na ang Pantabangan sa Cabanatuan in terms of generated revenues. Masarap balik-balikan ang Pantabangan at ang mga pine trees and cypress laden picturesque sceneries nito.


The post Mudra ng OPM na actress/politician, mapanlait! (Ara Mina magpapakasal na) appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Mudra ng OPM na actress/politician, mapanlait! (Ara Mina magpapakasal na)


No comments:

Post a Comment