Monday, March 31, 2014

INCLUSIVE MOBILITY FOR THE VISUALLY IMPAIRED

abiso ‘PAG pinag-usapan ang Inclusive Mobility (IM), madalas na ang mga problema lang ng persons with disability (PWD), specifically ang mga naka-wheelchair, ang nate-take into consideration ng mga opisyal at mga advocate.


Ito ang pina-realize sa amin ni Annabelle Villanueva, na visually impaired independent traveler sa meeting ng IM Executive Council sa Ateneo School of Government kailan lamang.


Binanggit niya ang dinaranas nilang hirap sa pagsakay sa LRT at MRT na bagama’t may mga tactile, ay magulo naman at nakaliligaw daw.


Sa aming panayam kay Atty. Hernando Cabrera, spokesman ng LRTA, ipinaliwanag niya na ang mga may tactile palang para sa mga visually-impaired tulad ni Annabelle ay ang LRT 2 – Marcos Highway – Recto Avenue, at ang mga bagong istasyon ng Roosevelt at Balintawak ng MRT3.


Ang tactiles ay mga flooring na may nakaangat at umbok na guides para sa mga visually-impaired. Sana ay makapaglagay na rin ng mga tactile sa iba pang LRT at MRT lines natin.


Isinama ni Cyrus Ballega ng AKKAPP Federation si Annabelle sa meeting ng Inclusive Mobility Network (IMN) sa Ateneo School of Government para maparating ang hinaing ng mga visually-impaired kung papaano sila makapagbibiyahe nang maayos at ligtas sa mga LRT at MRT station dito sa Metro Manila.


Ano ba ang Inclusive Mobility? Ito ang paglilibot at pagbibiyahe ng ligtas at comportable sa kalunsuran para sa lahat – lalo na ang mahihirap, ang marginalized at ang vulnerable.


‘Ika nga ni Dr. Segundo “Doy” Romero, project director nito – walkability, bikeability at commutability.


Ang iba pang members ng IM project team/secretariat ay sina Dr. Danielle Guillen, Lorenzo Cordova, Jr., at Althea Pineda.


Ang mga kasama namin ni Ballega sa Executive Council, na ngayon ay mga Board of Trustees ng IMN ay sina Commissioner Yeb Saño ng Climate Change Commission, Tina Velasco ng MMDA, Trina Tolentino ng Operation Katipunan, Julia Nebrija ng Viva Manila, Engr. Liberato Requioma, Jr. ng DPWH, Karen Crisostomo ng Firefly Brigade, Pio Fortuno ng Tiklop Society of the Philippines, Lalaine Guanzon ng Circle of Friends Foundation, Rally De Leon ng Lyon Couriers, Vicky Segovia at Elsie De Veyra ng Partnership for Clean Air, Atty. Violy Seva ng Makati City Government.


Kasama rin sina Reina Garcia ng Institute for Climate and Sustainable Cities, Louie Golla ng Motorcycle Philippines Federation, Quinn Cruz na isang community representative, Ronald Rodriguez ng Pathways to Higher Education, at si May Sanggalang ng Share the Road Movement.


The post INCLUSIVE MOBILITY FOR THE VISUALLY IMPAIRED appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



INCLUSIVE MOBILITY FOR THE VISUALLY IMPAIRED


No comments:

Post a Comment