Monday, March 31, 2014

Hindi manhid at bulag sa problema sa MRT — Malacañang

IPINAHAYAG ng ng Malakanyang na hindi sila nagpapabaya sa problema sa milyung-milyong mananakay ng Metro Rail Transit (MRT) lalo na ang siksikan at napakahabang pila sa mga istasyon ng tren nito araw-araw.


Ito ang sagot ng Malakanyang sa panawagang ng mga pasahero kay Pangulong Noynoy Aquino na atasan ang kanyang mga opisyal na sumakay sa MRT para maranasan ang konsumisyong dinaranas ng mga ito araw-araw.


Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abegail Valte, hindi bulag at bingi ang Pangulo sa mga ganitong bagay kaya’t sinisita nito ang mga departamento kapag nakaririnig ng mga reklamo at kritisismo.


Binabatikos ng mga kritiko si Transporation Secretary Joseph Emilio Abaya dahil sa kabagalan nitong umaksyon sa problema sa MRT gayung batid nito na ang mass rail transit ang madaling gamitin ng publiko.


Bukod sa pagsisiksikan, inirereklamo rin ng mga pasahero ang madalas na aberya ng MRT at LRT.


The post Hindi manhid at bulag sa problema sa MRT — Malacañang appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Hindi manhid at bulag sa problema sa MRT — Malacañang


No comments:

Post a Comment