Monday, March 31, 2014

Gusto ay maging ‘career’ o lehitimong hanapbuhay

DAHIL nga 349 shows ang nagawa nila nung kanilang 12th season, feeling ni Vince ay ang PSF na ang number 1 na theater company sa bansa. Pero parang wala ngang theater company na makakapag-claim na nakapagtanghal ng ganung karaming beses sa loob ng isang season kaya katanggap-tanggap naman ang giit n’yang sila na ang number one sa bansa.


At alam n’yo bang may regular na suweldo ang mga miyembro ng PSF kahit na sa panahong off-season sila (gaya nitong summer). May pagkakaiba-iba nga lang ang mga suweldo nila dahil mas mataas yung sa regular members. May mga tinatawag silang junior and senior apprentice.


Nung gabi ng pagdiriwang ng PSF ng 13th year nila, may dalawang apprentices sila na binigyan ng certificate of regular membership –at ang ìsang ibig sabihin nito, ayon kay Vince, ay tataas ng almost 200% ang kanilang mga sahod.


Ayaw kasi ni Vince na ituring na “raket” lang ang paglabas sa teatro o ang pagiging bahagi nito sa ano mang lehitimong paraan. (Major members din ang mga technical, artistic, production, at business staff.) Gusto n’ya ay maging “career” yon o lehitimong hanapbuhay para sa kanila.


Isa nga pala sa ini-announce na regular member na ng PSF pagkatapos ng maraming taon ay si JP Lopez na isang Speech teacher sa San Beda College at siyang madalas na gumaganap na emcee sa mga event ng PSF.


Ang laki n’yang mama, hindi guwapo in the Western way, dahil maitim siya, at may katabaan. Napanood na namin siya bilang isa sa mga kontrabida sa Bonifacio: Isang Sarswela. Feeling naming he can outsing everyone in PSF dahil sa taginting ng boses n’ya. At napalinaw, napakaorganisado n’yang magsalita.


Yung isa pa na idineklarang bagong regular member ay si Nikki Villaviray na isang Pinay beauty (para siyang maliit na Chat Silayan, ang anak ni Vic Silayan na naging Bb. Pilipinas noon). Naging scholar din siya ng PSF sa Poytechnic University, kung saan katatapos lang n’ya ng Mass Communication. Actually, may almost 30 scholars ang PSF sa elementary, high school, at college. Bagama’t mataas ang standard ng PUP, hindi ‘yon magastos na unibersidad.


Gayunpaman, may college scholars din sila sa private universities na gaya ng Adamson University. Isa pa rin nga pala sa mga plano ng PSF ay magtanghal sa ibang bansa sa taong ito. May mga offer na silang pinag-aaralan ngayon.


Filipinas 1941 ang musical na pangunahing itatanghal nila ngayong 2014. Likha ito ni Vince, siya rin ang nagdidirek, at malamang ay isa rin siya sa mga gaganap, kundi man magiging bida (na may ka-alternate naman sa maraming pagtatanghal). May magaling na choreographer ang PSF: si John San Antonio, na siyang namahala sa lahat ng napaka-impressive production numbers na itinanghal nung gabi ng pagdiriwang nila ng ika-13 anibersaryo. Mahusay din ang kanilang technical director na si Art Gabrentina, na ipinagmalaki ni Vince na pinag-aral ng PSF ng pag-iilaw sa London.


Nakatutuwa na buhay na buhay ang maraming theater companies sa ating bansa at masasabi ngang nangunguna sa mga iyon ngayon ang Philippine Stagers Foundation. Totoo nga sigurong mas maunlad ang ating bansa ngayon kaysa nu’ng mga nagdaang taon.


The post Gusto ay maging ‘career’ o lehitimong hanapbuhay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Gusto ay maging ‘career’ o lehitimong hanapbuhay


No comments:

Post a Comment