MATAGAL nang isyu ang nakawan sa mga “historical relics” sa ilalim ng Subic Bay.
Ito Ang Totoo: kilala naman ang utak ng pagnanakaw na taga-Brgy. Matain, Subic, Zambales pero bahag ang buntot sa kanya ng mga kinauukulan dahil bukod sa kilalang salbahe, malakas umano ang kumag sa mga politiko kaya namamayagpag ito.
May hinihintay lang tayong karagdagang dokumento at impormasyon at ilalantad din natin dito sa takdang panahon ang pangalan ng kumag na ang mga taong ginagamit sa pagnanakaw, bukod sa taga-Matain, ay may recuit din na mga taga-Cawag, Subic, Zambales.
Ang mga kinauukulan naman na walang alam o kung may alam ay tumatahimik lang, mahiya naman kayo sa lahi niyo! Kung hindi ninyo kaya ang trabaho ay magsipag-”resign” na kayo, mga bobo!
***
DALAS-dalasan sana ang paggiit ng bansang Pilipinas na makapunta ang mga sasakyang pandagat nito at ng mga mangingisdang Filipino sa mga teritoryo ng bansa na ninanakaw na ng bansang Tsina sa West Philippines Sea.
Ito Ang Totoo: puwede naman palang lampasan ang mga bumabarang barko ng Tsina tulad ng ginawa ng BRP Sierra Madre patungong Ayungin Shoal kamakailan lamang. Eh, ‘di gawin nang gawin para ipamukha sa kanila na hindi paduduro ang lahing Pinoy sa puwersang militar ng bansang Tsina.
Tama lang na maghain ng pormal na protesta ang Pilipinas pero hindi na dapat maghintay lang sa magiging resulta dahil nakita naman na natin ang reaksyon o kawalan ng reaksyon ng mga hinayupak na patuloy lang sa panghihimasok hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa bansang Hapon at iba pa.
Meron naman tayong Hukbong Pandagat na sa panahon na walang giyera o gulo ay kukuya-kuyakoy lang kaya sa panahon na ang serbisyo nila ay kailangan, tulad ngayon, aba’y, tuparin na nila ang kanilang sumpa sa tungkulin na kahit buhay ay iaalay sa pagtatanggol sa bayan.
Sori pero talagang ganyan, may mga nakatalagang sasabak sa panganib kapag kailangan, hindi lamang dahil sa sila ay sinuswelduhan para diyan kundi bilang obligasyon sa inang bayan. Ito Ang Totoo!
The post NAKAWAN SA SUBIC AT PAGNANAKAW NG TSINA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment