Monday, March 31, 2014

Phls, isa sa nangunang bansa na nakilahok sa Earth Hour – WWF

NAGPAABOT ng pasasalamat ang “The Amazing Spiderman” star na si Andrew Garfield sa mga Filipino sa patuloy na suporta sa global campaign para mapangalagaan ang kalikasan.


Sa kanyang mensahe kasabay ang inilunsad na “Earth Hour”, binati ni Garfield ang buong bansa sa pagsuporta sa anti-climate change efforts.


Si Garfield ang gumaganap sa papel na Peter Parker, ang pangunahing tauhan sa pelikulang “The Spiderman.


“Hello Philippines this is Andrew Garfield. Thank you for joining Spiderman in using your power for Earth Hour,” ani Garfield.


Nagsimula kahapon ang Earth Hour sa ibang bahagi ng mundo partikular sa mga Pacific island nations.


Sa South Pacific, nakibahagi ang ilang lugar sa Fiji, Solomon Islands at Papua New Guinea sa pamamagitan ng pagpatay ng kanilang ilaw.


Ayon sa World Wildlife Fund (WWF), kabilang ang Pilipinas sa mga leading country-participants ng Earth Hour simula pa noong 2009.


Ang pinakaunang lungsod na magdidilim pagsapit ng alas-8:30 ng gabi (local time) ay ang Auckland sa New Zealand na magpapatay ng ilaw ang Sky Tower, bago lumipat ng Australia ang Earth Hour.


Sa Australia nagsimula ang Earth Hour pitong taon na ang nakaraan, nagkakaroon ng massive candle lit display sa lawn ng Parliament House sa Canberra.


Sinundan sa Asya na ang flagship event ngayong taon ay sa Singapore.


Ang mga Spiderman casts na sina Andrew Garfield, Emma Stone at Jamie Fox ang nanguna sa pagpatay ng ilaw sa pamosong Marina Bay skyline.


Sa Kuwait, nagsasagawa ng base jump mula sa tuktok ng Olympia Mall ang Kuwaiti athlete na si Refaei.


Ang Russia ay sinimulan ang 11 oras nila na Earth Hour, alas-12:30 ng tanghali oras sa Moscow.


Maging ang International Space Station ay sumali rin sa global movement kung saan nag-record pa ng mensahe ang Russian cosmonaut na si Mikhail Tyurin.


Sa ikalawang taon muli ring magdidilim ang Kremlin na tahanan ng Russian president maging ang Red Square sa Moscow.


Pasisinayaan naman sa Iran ang pinakamalaking Earth Hour logo sa kasaysayan.


Sa Tahiti ay magtatapos ang Earth Hour, isang malaking accoustic concert ang isasagawa.


Ngayong taon, higit 150 bansa at territories ang sasali sa Earth Hour na nagsimula alas-8:30 ng gabi.


The post Phls, isa sa nangunang bansa na nakilahok sa Earth Hour – WWF appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Phls, isa sa nangunang bansa na nakilahok sa Earth Hour – WWF


No comments:

Post a Comment