DAHIL palipas na ang equinox o magkapantay na haba ng araw kaysa gabi, inaasahan na ang mas mainit na temperatura sa bansa sa mga susunod na araw.
“‘Yung March 21 equinox lagpas na po tayo doon… lagpas na po tayo ng equinox unti-unti na pong humahaba ang araw kaysa gabi.. ang epekto niyan, iinit at mas iinit pa ang panahon sa mga darating na araw,” pahayag ni weather forecaster Aldzar Aurelio.
Nitong Biyernes lamang, naitala ang pinakamataas na temperatura sa Kamaynilaan mula nang pumasok ang panahon ng tag-init.
Pumalo ito sa 35.7 degrees Celsius (°C) habang mas mataas naman sa Tuguegarao, Cabanatuan at Subic na umabot sa 36°C.
Maglalaro naman ang temperatura sa Metro Manila mula 24 hanggang 35°C.
The post Mas mainit na panahon, ibinabala appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment