Monday, March 31, 2014

Pagpapa-ospital kay Napoles sa OSMAK, ikinakasa na

MALAKI ang posibilidad na madala ngayong araw sa Ospital ng Makati (OSMAK) si Janet Lim-Napoles para sa kanyang operasyon.


Ito’y kasunod ng pagsang-ayon ni Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150 Judge Elmo Alameda na maaaring magpa-opera si Napoles dahil sa bukol nito sa matris at bleeding na kanyang nararanasan.


Para kay Atty. Faye Singson, legal council ni Napoles, nais nilang madala na agad sa ospital ang kanilang kliyente ngunit nabatid umano nilang maraming dapat ihanda para sa isyu ng seguridad.


Ayon kay Singson, hanggang anim na doktor ang titingin sa pasyente dahil maselan ang kondisyon nito.


Binigyang-diin ng abogado na walang gagastusin ang gobyerno sa pagpapagamot kay Napoles dahil mga kamag-anak nito ang magbabayad ng hospital bill.


The post Pagpapa-ospital kay Napoles sa OSMAK, ikinakasa na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagpapa-ospital kay Napoles sa OSMAK, ikinakasa na


No comments:

Post a Comment