Saturday, March 29, 2014

3 lalaki nagtago ng shabu sa tsinelas, timbog

NAKABILANGGO na sa Kumalarang Municipal Police Station sa lalawigan ng Zamboanga del Norte ang tatlong mga hinihinalang drug pusher matapos marekober sa kanilang mga tsinelas ang mga pakete ng shabu.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Gabriel Estomago Argente, 23; Richard Estomago Roses, 28; at Jerome Anduyan Lumiles, 23.


Una rito, nagsasagawa ng visibility patrol ang mga pulis sa may National Highway ng Barangay Poblacion sa bayan ng Kumalarang nang namataan umano nila ang kahina-hinalang kilos ng tatlong mga suspek na nakasakay sa isang motorsiklo.


Nang lapitan umano ng mga pulis ang mga ito, nakita ang dalawang pakete malapit sa mga suspek na pinaniniwalaang tinapon ng mga ito.


Kasunod nito, agad silang dinala sa naturang police station para isailalim sa imbestigasyon.


Habang nagsasagawa ng inspeksyon sa tatlong mga suspek, nadiskubre na may nakatago pang limang pakete ng shabu sa tsinelas ng sa isa sa mga suspek.


Dinala na sa Provincial Crime Laboratory ang mga nakuhang pakete ng shabu at sasampahan na ng kaso ang mga suspek.


The post 3 lalaki nagtago ng shabu sa tsinelas, timbog appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



3 lalaki nagtago ng shabu sa tsinelas, timbog


No comments:

Post a Comment