MULI tayong pinalad na mapasama sa inimbitahan ng Ford Group Philippines upang saksihan ang bagong Ford Everest concept car sa 35th Bangkok Motor Show sa bansang Thailand noong Martes.
Ang nasabing sasakyan ay malayo sa naunang mga modelo nito. Mukha na itong gawang Amerika.
Sa aking panayam kay FGP managing director Kay Hart, ang produksyon ng bagong Everest ay magmumula sa planta ng Ford sa Rayong, Thailand at darating sa Pilipinas sa susunod na taon ngunit hindi niya pa masabi kung anong buwan.
Sabi rin ni Ford ASEAN president Matt Bradley na hindi na masyadong lalayo ang aktuwal na Everest sa concept car nito.
May mga refinement and minor change na lang daw sa exterior ng sasakyan.
Base sa presyo ng all-new Everest sa Thailand, isa sa mukhang makakalaban nito rito sa Pilipinas ay ang Hyundai Sta. Fe.
Maraming salamat sa FGP sa pagkakataong ibinigay niyo sakin. Sa darating na Huwebes hanggang Linggo ay inaanyayahan ko kayong pumunta sa World Trade Center sa Pasay City para sa taunang Manila International Auto Show (MIAS).
SA MIAS ay makikita ang display ng mga car manufacturer kabilang ang Ford, Rolls-Royce, Mini, Mercedes Benz, Chrysler, Dodge, Jeep, Peugeot, Chevrolet, Kia, Chery, Foton, JMC, Volkswagen, Suabru, Mitsubishi at ang Tata na mula sa India.
Pero hindi lang display ng mga sasakyan ang makikita rito.
May mga tool, accessory, langis, at sari-saring produkto para sa mga mahilig sa sasakyan.
Diskwentado rin ang karamihan na binebenta rito kaya naman ‘wag ninyong kalimutang pumasyal sa Abril 3-6 sa World Trade Center.
The post FORD EVEREST SA BANGKOK MOTOR SHOW appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment