Saturday, March 29, 2014

3 CIDG operatives na sabit sa kotong sinibak

TATLONG operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa South Cotabato ang sinibak dahil sa extortion.


Kinilala ang mga sinibak na sina SPO3 Jerry Templenuevo, PO3 Pablo Hugot at PO3 Apollo Albert Ilao.


Nabatid na nag-ugat ang kaso ng tatlo sa kanilang isinagawang raid sa isang pasugalan nang walang dalang search warrant at lingid pa sa kanilang opisyal.


Bukod dito, hindi rin umano dinala ng tatlo ang may-ari ng pasugalan sa CIDG office kundi sa ibang lugar para kikilan.


Isinailalim na ang tatlo sa pre-charge investigation.


The post 3 CIDG operatives na sabit sa kotong sinibak appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



3 CIDG operatives na sabit sa kotong sinibak


No comments:

Post a Comment