Saturday, March 29, 2014

MGA DUGYOT TARGET NG BIR; PADER SI PINONG SA KYUSI

burdado-jun-briones2 NANINIWALA tayo, parekoy, na ang lahat ng Filipino na kumikita ay dapat lang magbayad ng buwis sa pamahalaan.


Dahil ano ang nanakawin ng hijo de-putang mga opisyal kung walang pera ang gobyerno? At ano ang lulustayin para sa kanilang personal na pangangailangan o sa kapritso ng kanilang magagarbong pamilya?


Ang bagay na ‘yan ay alam ng mayayamang negosyante sa ating bansa. Kaya nga, karamihan sa kanila ay pilit gumagawa ng paraan para lokohin ang gobyerno sa pamamagitan ng hindi pagdedeklara ng tamang kita.


Op kurs, kalimitan ay sa pakikipagsabwatan na rin ng ilang buwaya sa BIR. ‘Yan, parekoy, ang tunay na dahilan kaya hindi naaabot ng Kawanihan ang kanilang target na collection sa buwis!


Pero mayroong naisip na paraan si Commissioner Kim Jacinto Henares para mabawasan ang nasa P450 bilyong nawawala sa gobyerno taon-taon dahil sa “tax evasion”. Sa kanyang ipinalabas na Revenue Memorandum Circular No. 7-2014 ay nagsasaad na ang “marginal income earners” (MIEs) ay dapat pursigihin.


In short, ang mga dugyot na tindahan, mangingisda, magsasaka at lahat ng may kakarampot na kinikita ay dapat magbuwis!


King-inaaaa! Mga hijo de-puta kayo, ang mayayamang negosyante ay hindi ninyo pinipiga dahil kinukuhanan ninyo ng pansariling “gatas” tapos ang mga dugyot, pobre at timawa ang inyong pagdidiskitahan!


‘Yan na nga ba, parekoy, ang ating sinasabi riyan sa epekto ng lintek na “Tuwad na Daan”. Ang sandamakmak na mga nakakurbatang ismagler, magnanakaw at tax evader ay kalampungan pa ng mga taga-Palasyo. Habang ang mga payatot at kuba na sa kahirapan ay pilit pa ring pinipiga ng mga hinayupak. Mga “kyut ang ina” ninyong lahat! Pwe!


-o0o-


KUNG ang tagatanggap ni QCPD Director C/Supt. Richard Albano ay hindi namamantikaan mula sa gambling lord na si Pinong, bakit hindi siya hinuhuli? Kung ang malalakas kay Bistek gaya ni Papa Meyor ay walang pakinabang, bakit hindi inoobliga si Gen. Albano na daklutin si Pinong at ang kanyang mga operator? O kaya ay palayasin na si Gen. Albano?


Kung ang tanggapan ni NCRPO Chief Dir. Carmelo Valmoria ay hindi dinadalaw tuwing Biyernes ng tagaayos ni Pinong, bakit hindi ito ratsadahin ng Bicutan para ipatupad ang “one strike policy” ng PNP para agarang masibak si Gen. Albano?


Kung ang nagpapakilalang collector ni PNP Chief, Dir. General Alan Purisima na umiikot sa lahat ng iligalista sa Pinas ay hindi nabibigyan ni Pinong, bakit hindi nito kalabitin si Gen. Albano? Dahil pader nga si Pinong! Paging DILG!


The post MGA DUGYOT TARGET NG BIR; PADER SI PINONG SA KYUSI appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MGA DUGYOT TARGET NG BIR; PADER SI PINONG SA KYUSI


No comments:

Post a Comment